Hati ang pananaw ng ilang residente sa Pangasinan kaugnay ng muling umiinit na diskusyon sa bansa tungkol sa panukalang pagbaba ng minimum age of criminal responsibility (MACR), na kasalukuyang nakatakda sa 15 taong gulang pataas sa ilalim ng Republic Act 9344 o Juvenile Justice and Welfare Act.
Sa ilalim ng umiiral na batas, ang mga batang 15 taong gulang pababa ay hindi itinuturing na criminally liable at sa halip ay isinasailalim sa intervention at rehabilitation programs, habang ang 15 hanggang 18 ay sinusuri kung may “discernment” sa kanilang nagawang krimen.
Sa Pangasinan, ilang residente ang nagsabing bukas sila sa ideya ng pagbaba ng edad ng pananagutan sa paniniwalang mas makatutulong umano ito upang maiwasan ang pagdami ng kabataang nasasangkot sa mabibigat na krimen.
Gayunman, may ilang mga residente ang tutol dito at naniniwalang mas mainam na palakasin ang rehabilitasyon at paggabay sa mga kabataan kaysa pababain ang age threshold.
Sa kabilang banda, nananatili rin ang paninindigan ng mga child rights advocates na dapat manatiling nakatuon sa restorative justice at proteksyon ng mga menor de edad.
Sa ngayon, nananatiling umiiral sa bansa ang kasalukuyang probisyon ng Juvenile Justice and Welfare Act habang hinihintay ang posibleng susunod na hakbang ng Kongreso sa panukala. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








