Dead on arrival sa pagamutan ang isang 62 anyos na lalaki matapos masagasaan ng isang van habang tumatawid sa Brgy. Tulong, Urdaneta City Pangasinan.
Ang driver ng Van mula pa sa mula Tuba, Benguet. Ayon sa salaysay ng mga kasamahan ng biktima, mag-alas sais ng umaga nang tumawid ang mga ito ngunit aksidenteng nasagasaan ng paparating na van ang biktima.
Nagtamo ng matinding sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktima at itinakbo sa pagamutan kung saan idineklarang dead on arrival.
Negatibo sa alcohol breath test ang driver at nakatakdang sampahan ng kasong Reckless Imprudence resulting in Homicide. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Negatibo sa alcohol breath test ang driver at nakatakdang sampahan ng kasong Reckless Imprudence resulting in Homicide. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments