BUY-BUST | 10 kilo na hinihinalang shabu, nasabat ng PDEA sa Alabang

Manila, Philippines – Iprinisinta sa media ngayong hapon ang limang pakete o tinatayang nasa 10 kilo ng hinihinalang shabu na nasabat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa ikinasa nilang drug buy bust operation sa parking lot ng isang high end na establishimento sa Alabang, kaninang alas dose ng tanghali.

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, agad na inaresto ang nag-deliver ng shabu na si Norodian Guimadel Samplidan, 28 anyos, nang magkaabutan na ng pera sa pagitan ng mga suspect at ng poseur buyer.

Ayon kay Aquino, tinatayang nasa 50 milyong pisong halaga ang street value ng nakumpiskang mga shabu.


Nakuha rin mula sa nasabing operation ang ginamit na buy bust money.

Arestado ring ang dalawang babae na kasama ng suspect na sina Lady Jane Flores Borja, 24 anyos; at Regina Inocencia San Miguel, 40 anyos.

Nananatili ngayon sa kustodiya ng Muntinlupa police ang mga suspect, at nakatakdang sumalang sa inquest proceedings.

Facebook Comments