
Pinabulaanan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang kumakalat na ulat hinggil sa pansamantalang pagsasara ng Zamboanga International Airport.
Ayon sa CAAP, bagama’t nagpapatuloy ang runway rehabilitation at terminal expansion sa nasabing paliparan, wala aniya silang balak na isuspinde ang airport operations sa Zamboanga.
Tinitiyak din ng CAAP na walang maaapektuhan sa nagpapatuloy na improvements sa mga paliparan.
Hinimok din ng CAAP ang publiko na paniwalaan lamang ang kanilang official platforms hinggil sa tamang flight schedules at airport status updates.
Tiniyak din nito na ang anumang scheduled repairs o maintenance work sa Zamboanga International Airport at sa ibang CAAP-operated airports ay kanilang ibabahagi sa kanilang official channels.