
Pinatututukan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Department of Science and Technology (DOST) ang pagpapalakas ng electronic vehicle industry sa Pilipinas ngayong taon.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni DOST Secretary Renato Solidum, nais ng pamahalaan na makapag-develop ng sarili nitong hybrid electric trains, katuwang ang Department of Transportation (DOTr).
Naniniwala kasi aniya sila na oras na makapag-produce ng sariling hybrid e-trains ang bansa, hindi lamang nito mapagaganda ang transportasyon kundi magbubukas din ng maraming trabaho para sa mga Pilipino.
Ayon kay Solidum, kung magiging matagumpay sila sa isinusulong nilang proyekto, tutugunan nito ang ilang usapin sa industriya ng transportasyon at paggawa.
Taong 2024 pa agresibo ang DOST sa commercialization ng mga produkto ng tanggapan, science community, at investors, at ngayong 2025, at sa mga susunod na taon, ay ipagpapatuloy lamang nila ang pagsusulong ng mga ito.