Voter registration ng COMELEC sa araw ng Sabado, itutuloy na muli

86

Kinumpirma ni Commission on Elections (COMELEC) Commissioner Rowena Guanzon na balik na muli ang Sabado na schedule ng pagpapatala ng mga bagong botante o ang voter registration.

Ayon kay Guanzon, ito ay epektibo ngayong buwan ng Pebrero para bigyang daan ang mga botanteng kabataan na may online class at ang mga pumapasok sa trabaho sa weekdays.


Una kasi rito, ipinatupad ng COMELEC ang araw ng pagpapatala ng mga botante sa araw lamang ng Lunes hanggang Biyernes para bigyang daan ang pagdi-disinfect sa kanilang mga pasilidad.

Ang idinadaos na voter registration ay bilang paghahanda sa local and national elections sa susunod na taon.

Facebook Comments