Calamity fund ng Cataingan, Masbate, naubos dahil sa COVID-19; Alkalde, umapela ng tulong sa national government

Umapela ng tulong na pondo sa national government si Cataingan Mayor Felipe CabataƱa para ayudahan ang mga residente nitong naapektuhan ng magnitude 6.6 na lindol sa Masbate kahapon.

Ayon kay CabataƱa, halos ubos na ang pondo ng kanilang bayan dahil sa pagtugon sa COVID-19 pandemic.

Paliwanag niya, hindi nila inaasahang magkakaroon ng lindol kaya hindi sila nakapaglaan ng pondo para sa mga ganitong kalamidad.


Nanawagan din ang alkalde ng donasyong tent bilang temporary shelter ng mga residente nitong takot pa ring pumasok sa kanilang mga bahay dahil sa nararanasang aftershocks.

Nangangamba rin kasi si CabataƱa na hindi na masunod ang social distancing sa mga evacuation center dahil sa liit ng espasyo.

Tiniyak naman ng MalacaƱang na mabibigyan ng ayuda ang mga biktima ng lindol sa Masbate.

Facebook Comments