Tuesday, October 6, 2026

PBBM, kumpirmadong manonood ng international car racing sa gitna ng kanyang working visit sa Singapore

COURTESY: RTVMalacañang

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na manonood si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ng Formula 1 o International Car Racing sa Singapore sa gitna ng kaniyang working visit sa bansa mula Oktubre 7 hanggang 11.

Ayon kay DFA Assistant Secretary Analyn Ratonel, kasama sa iskedyul ng pangulo ang panonood ng Singapore Grand Prix sa Marina Bay Street Circuit.

Personal aniyang inimbitahan ni Singapore Prime Minister Lawrence Wong ang pangulo na manood ng karera at magho-host din ito ng hapunan para sa kanya.

Ipinaliwanag ni Ratonel na pagkakataon ang event para isulong ang interes sa negosyo ng Pilipinas at makabuo ng mga partnership sa mga opisyal ng gobyerno at business leaders mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Facebook Comments