Maaaring alisin ng publiko o ng mga concerned citizens ang mga campaign posters at materials na nasa pampublikong lugar ngunit hindi common poster area ayon sa Commission on Elections San fernando City, La Union.
Sa isang programa, sinabi ng tanggapan na magiging awtorisado at walang paglabag ang mga concerned citizens sa pagbabaklas ng campaign materials ngunit kinakailangan na may kaukulang dokumentasyon bago alisin ang poster na nagpapakita na nakakabit ito sa maling lugar.
Kinakailangan din na i-surrender ang binaklas na campaign poster sa tanggapan ng COMELEC bilang tanging responsable sa disposal.
Sa pagtatala ng tanggapan, mga campaign materials na nasa mga tulay, waiting shed at iba pang government buildings ang tinanggal sa mga isinagawang Operation Baklas sa lalawigan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨