CASHLESS AT PAPERLESSTRANSACTIONS SA SAN FABIAN, OPISYAL NANG APRUBADO

Opisyal nang inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan ang Municipal Ordinance No. 12, Series of 2025, na nag-uutos sa unti-unting pagpapatupad ng cashless payment systems at paperless transactions sa pamahalaang bayan ng San Fabian.

Ayon sa pamahalaang lokal, bahagi ito ng mas malawak na programa ng Ease of Doing Business at E-Governance na layuning mapabilis, mapadali, at gawing mas transparent ang mga transaksyon ng publiko sa munisipyo.

Bukod dito, inaasahan ding magiging mas environment-friendly ang sistema dahil mababawasan ang paggamit ng papel sa mga opisyal na proseso.

Sa ilalim ng ordinansa, isusulong ang paggamit ng mga digital payment channels para sa pagbabayad ng mga bayarin at iba pang serbisyo ng pamahalaan. Kasabay nito, ipatutupad din ang paggamit ng secure digital data management systems upang mapahusay ang efficiency sa serbisyo at mabawasan ang oras ng pagproseso ng mga dokumento.

Ang pag-apruba ng ordinansa ay isang mahalagang hakbang tungo sa modernisasyon ng lokal na pamahalaan at inaasahang magpapalakas sa digital transformation ng kanilang mga serbisyo para sa mas episyenteng paghahatid ng serbisyo publiko. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments