Wednesday, May 13, 2026

Cavite Rep. Barzaga, sorpresang binisita si Sen. Bato sa Senado

Sorpresang nagtungo sa mataas na kapulungan si Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga para personal sanang bisitahin si Senator Ronald “Bato” Dela Rosa at para batiin na rin ang liderato ni Senate President Alan Peter Cayetano.

Ayon kay Barzaga, biglaan lang ang kanyang pagdaan sa Senado dahil nagkataon na malapit lang din siya.

Sinabi ni Barzaga na nais niya i-congratulate ang bagong Senate Leadership dahil napalitan na si Senator Tito Sotto III sa pwesto.

Binigyang-diin ni Barzaga na siyam na buwan ang naging panunungkulan ni Sotto sa pwesto pero walang naparusahan sa katiwalian.

Paglilinaw pa ni Barzaga, hindi naman sila close pa ni Sen. Bato bunsod ng kakasali pa lang niya sa Partido Demokratiko Pilipino (PDP) Laban pero nais lamang niya itong batiin dahil pareho sila ng ipinaglalaban.

Facebook Comments