Cayetano, nagpaliwanag  tungkol sa  SEA Games sa Anibersaryo ng 44th Philippine National Prayer Breakfast

Nilinaw ni House Speaker Allan Peter Cayetano na wala siyang kinita at abonado pa nga sa SEA Games kung saan naantala ang pondo nito at dalawang buwan umanong walang sahod ang mga manggagawa.

Sa ginanap na Ika 44t Anibersaryo ng Philippine National Prayer Breakfast iginiit ni Cayetano na hindi siyang nahihiyang banggitin ito at malinis ang kanyang konsensiya kung saan nahihiya siya para sa mga detractors.

Hinikayat ni Cayetano ang lahat na sama samang mag-dasal at mag-kaisa tungo sa ikatatagumpay ng hosting ng bansa.


Sabi ni Cayetano labis siyang nasasaktan   ang makita at mabasa at mapanood ang napakaraming mga fake News.

Aminado si Cayetano na nagkaroon ng mis communication sa nangyaring pagsundo sa mga players ng ibang bansa kung saan hindi na bago ito dahil nangyari na umano ito sa kanila ni Pangulong Duterte – na 30 minuto silang nag antay sa ibang bansa.

Facebook Comments