Pormal nang hinirang bilang kardinal si Kalookan Bishop Pablo Virgilio David.
Kagabi nang ganapin sa St. Peter’s Basilica ang ika-10 consistory ni Pope Francis kung saan 21 bagong kardinal ang nilikha, kasama na ang pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP).
Sa homiliya ng Santo Papa, hinikayat niya ang mga bagong kardinal na lumakad sa daan ni Jesus nang may pagpapakumbaba, paghanga, at tuwa.
Ibig sabihin nito, dapat aniya nilang tularan si Jesus na nakisalamuha sa mga nakakaranas ng pagdurusa at nawalan na ng pag-asa.
Sa ngayon, may 256 nang miyembro ang College of Cardinals kung saan 141 dito ang maaaring bumoto para sa susunod na lider ng Simbahang Katolika.
Si David ang ika-10 Pilipinong kardinal at nagsisilbi ring isa sa pinakamalapit na adviser ng santo papa.
Itinalagang auxiliary bishop ng Archdiocese of San Fernando noong 2006 bago ilipat at pamunuan ang diocese of Kalookan noong 2015.
Nagsisilbi rin siyang CBCP president mula pa noong 2021.