Puganteng South Korean na si ‘Lee Minho’, inaresto ng mga tauhan ng Immigration

Kinumpirma ng Bureau of Immigration (BI) ang pagkakaaresto sa dayuhang kapangalan ng isang kilalang South Korean actor.

Ayon sa BI, inaresto ng mga tauhan ng fugitive search unit sa loob ng Clark Freeport Zone ang isang nagngangalang Lee Minho.

May mission order laban sa 37-anyos na lalaki, matapos makatanggap ng impormasyon ang BI na wanted pala ito sa South Korea.


Si Lee ay nahaharap sa reklamong Special Bodily Injury at may Interpol Red Notice din na nakataas sa kaniya mula nitong Oktubre.

Samantala, bukod sa South Korean national, apat pang pugante ang inaresto ng BI nitong nakalipas na linggo.

Ayon kay BI Commissioner Joel Viado, walang lugar sa Pilipinas ang mga dayuhang pugante kaha agad silang ide-deport, ilalagay sa black list at habangbuhay na pagbabawalang pumasok sa bansa.

Facebook Comments