Friday, May 8, 2026

CEASE AND DESIST ORDER, IPINATUPAD LABAN SA POULTRY FARM SA BALUNGAO DAHIL SA MGA UMANOY PAGLABAG

Ipinag-utos ng lokal na pamahalaan ng Balungao ang agarang pagpapatigil sa operasyon ng isang poultry farm sa Brgy. Angayan Sur matapos umanong lumabag sa umiiral na sanitation, health, at environmental laws, gayundin sa mga municipal ordinances.

Batay sa inilabas na Cease and Desist Order No. 1, Series of 2026, pinatitigil ang lahat ng loading at farming operations ng establisimyento epektibo noong Mayo 4, 2026.

Nakapaloob sa abiso na kabilang sa mga nilabag na batas ang Presidential Decree No. 856 o Code on Sanitation of the Philippines, Republic Act No. 9003 o Ecological Solid Waste Management Act of 2000, at Republic Act No. 8749 o Clean Air Act of 1999.

Binanggit din sa kautusan ang umano’y paglabag sa Municipal Ordinance No. 2021-01 o Health and Sanitation Code of Balungao at Municipal Ordinance No. 2021-02 o Environmental Code of Balungao.

Isinagawa ang pagpapatupad ng kautusan sa koordinasyon ng iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan, kabilang ang Philippine National Police (PNP), Business Permit and Licensing Office (BPLO), at Rural Health Unit (RHU).

Ayon sa lokal na pamahalaan, layunin ng hakbang na mapangalagaan ang kalusugan ng publiko, kapaligiran, at kapakanan ng komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments