Batay sa inilabas na paalala ng lokal na pamahalaan, hindi maaaring simulan ang anumang proyekto sa konstruksyon nang walang aprubadong dokumento alinsunod sa Presidential Decree No. 1096 o National Building Code of the Philippines at Republic Act No. 7160 o Local Government Code of 1991.
Binalaan din ang publiko na ang mga lalabag ay maaaring maharap sa pagpapahinto ng proyekto, pagmumulta, at iba pang legal na pananagutan.
Kasabay nito, muling pinaigting ang paalala laban sa paggamit ng irrigated at irrigable agricultural lands para sa non-agricultural activities nang walang Reclassification Ordinance at DAR Conversion Order.
Ayon sa pamahalaan, maituturing itong “premature conversion” na may kaakibat na kaparusahan sa ilalim ng Republic Act No. 8435 at Republic Act No. 6657.
Dahil dito, hinihikayat ang mga residente at planong magsagawa ng anumang proyekto na dumulog muna sa Municipal Engineering Office at Municipal Planning and Development Office upang makakuha ng wastong gabay at kinakailangang permit bago magsimula ng konstruksyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








