Cebu Governor Gwen Garcia, pinayuhan ng DOJ na maghain ng panukala sa IATF hinggil sa pagluluwag sa pagsusuot ng face mask

58

Pinayuhan ni Justice Secretary Menardo Guevarra si Cebu Governor Gwen Garcia na maghain ng panukala sa Inter-Agency Task Force (IATF) hinggil sa pagluluwag sa pagsusuot ng face mask sa Cebu.

Ito ay sa halip na komprontahin, hinimok ng kalihim si Garcia na lumapit sa IATF at linawin ang mga nais nitong mangyari.

Sinabi ni Sec. Guevarra na makatwiran naman magdesisyon ang IATF at mabilis magpatupad ng mga pagbabago lalo na kung may siyentipikong basehan.


Sa kabila nito, nagbabala ang kalihim na mahalaga pa rin ang pagsunod sa health protocols dahil limitado lamang kapasidad ng healthcare system ng bansa.

Facebook Comments