Ceremonial blessing ng dalawang bagong ATAK helicopters ng PAF, sinaksihan ni PBBM

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang ceremonial blessing ng mga bagong dating na helicopters ng Philippine Air Force (PAF).

Ang dalawang ATAK helicopters ay binili ng Pilipinas sa Turkey.

Ito ay dagdag sa air assets ng bansa sa ilalim ng modernization program ng PAF.


Nagpasalamat ang pangulo sa Turkish Aerospace Industries at sa Turkish government bilang katuwang ng Pilipinas sa pagpapalakas ng PAF.

Kinilala rin ng presidente ang serbisyo at husay ng Air Force lalo na sa aspeto ng external defense, internal security operations, at disaster response at relief operations.

Facebook Comments