
Sinagot ni Chinese Foreign Minister Wang Yi ang tanong tungkol sa maritime dispute sa pagitan ng China at Pilipinas.
Ito ay base sa mga naging pahayag sa isang panayam kay Defense Secretary Gilbert Teodoro Jr. kung saan sinabi ni Teodoro na ang pinakamalaking banta sa national security ng Pilipinas ay ang patuloy na pagiging agresibo ng bansang China sa pinag-aagawang teritoryo sa karagatan at ang Pilipinas kasama ang mga kaalyado nito ay gagawa ng mga hakbang na labanan ang mga pagtatangka ng China.
Ayon kay Foreign Minister Yi, base sa sinabe ng isang opisyal mula sa isang bansa na ang mga sigalot daw sa pagitan ng China at Pilipinas ay parang “shadow play” na sa bawat galaw ng Pilipinas sa dagat ay mayroong isang screenplay na isinulat ng mga panlabas na puwersa na ipinapakita ng western media para siraan ang China.
Iginiit ni Foreign Minister Yi na patuloy na pangalagaan ng China ang soberanya ng teritoryo at mga karapatan at interes sa dagat alinsunod sa batas at dapat na itigil ng Pilipinas ang panlilinlang sa pandaigdigang komunidad, gamit ang isyu sa South China Sea para mag-udyok ng mga alitan, at umasa sa mga panlabas na puwersa upang pahinain ang kapayapaan at katatagan sa rehiyon ng South China Sea.