CIDG, binigyan ng hanggang Pebrero 21 para maghain ng supplemental affidavit-complaint laban kay Poblacion girl Gwyneth Chua

Magsusumite ng Supplemental Affidavit-Complaint ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) laban sa tinaguriang “Poblacion Girl” na si Gwyneth Anne Chua.

Sa preliminary investigation, binigyan ng prosecutor ang PNP hanggang Pebrero 21 para ihain ang complaint at pinagpepresinta din sila ng mga karagdagang mga witness.

Noong lunes, naghain na si Chua kasama ng kaniyang magulang ng kaniyang Counter-Affidavits sa City Prosecutor kaugnay sa isinampa sa kaniyang paglabag sa Republic Act No. 11332 o Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act.


Batay sa reklamo, nilabag nina Chua, kaniyang magulang, at mga empleyado at opisyal ng Berjaya Hotel ang ilang bahagi ng nasabing batas.

Matatandaang noong nakaraang buwan ay nagviral sa social media si Chua dahil sa pagtakas nito sa quarantine at nakipag-party pa sa isang bar kung saan kalauan ay lumabas na positibo pala siya sa COVID-19.

Facebook Comments