
Mahigpit na pinalagan ng isang grupo ng mga kabataan ang planong gawing state witness si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan aa kaso ng maanomalyang flood control project ng pamahalaan .
Ayon sa Samahan ng Progresibong Kabataan (SPARK), makokompromiso umano ang mga kaso ng pag-unsigned sa mga sangkot sa flood control project anomalies dahil may mas may malaking pananagutan si Bonoan sa flood control project anomalies.
Giit ng grupo, sa sandaling payagan si Bonoan na maging state witness, ipakikita ng Ombudsman na maari palang bigyan ng gantimpala ang isang matiwaling gawain.
Maililipat din umano ang sisi mula kay Pangulong Bongbong Marcos at sa kanyang administrasyon sa kanilang responsibilidad sa malawakang katiwalian.
Naniniwala ang grupo na sapat na sina dating DPWH officials Henry Alcantara at Brice Hernandez upang mapalabas ang katotohanan sa kickback scheme .
Sa ngayon, wala pang komento ang Ombudsman sa pahayag ng grupong SPARK.










