Coco Martin, nagsalita na kaugnay sa umano’y baby nila ni Julia Montes

6939

Binasag na ng actor-director na si Coco Martin ang kanyang katahimikan kaugnay sa isyung mayroon na daw syang baby sa rumored girl friend at aktres na si Julia Montes.

Sa Instagram post ng primetime actor – hinalimbawa niya ang payo at aral sa kanya ng kanyang lola Matilde at bumuwelta siya sa mga taong naninira at walang magawa kundi siraan siya.


Bagaman at hindi deretsahang sinagot ni Coco ang isyu ng pagkakaroon ng anak kay Julia pero malinaw niyang sinabi na hindi kabaklaan ang desisyong manahimik sa buhay.

Matatandaang, naging laman sa social media na kaya nagbakasyon sa ibang bansa sa kasagsagan ng kanyang career si Julia ay dahil ipinanganak niya ang baby nila ni Coco.

Facebook Comments

From Advertisers