
Nakatakdang ipamahagi ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) ng Alaminos City ang Birthday Cash Gift para sa mga rehistradong senior citizen at persons with disabilities (PWD) na nagdiwang ng kanilang kaarawan noong buwan ng Mayo at Hunyo.
Isasagawa ang payout ngayong araw at bukas July 8, 2026, sa mga itinakdang barangay covered court o barangay hall sa lungsod.
Pinapayuhan ang mga benepisyaryo na sundin ang iskedyul ng distribusyon sa kani-kanilang barangay at dalhin ang lahat ng kinakailangang dokumento upang maging maayos ang pagkuha ng kanilang cash gift.
Para sa kumpletong listahan ng mga requirements at iba pang detalye, maaaring makipag-ugnayan ang mga benepisyaryo sa kanilang Barangay Officials, BASCA President, o Persons with Disabilities (PWD) President. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










