Monday, July 6, 2026

MIAA, makikipagtulungan sa imbestigasyon ng Ombudsman kaugnay ng pagkakautang sa ahensya ng isang cargo company

Hiniling ng isang abogado sa Office of the Ombudsman na imbestigahan ang posibleng kasong plunder, kaugnay ng ibinunyag ng grupong The Passenger Forum

Kasunod ito ng kabiguan ng Manila International Airport Authority o MIAA na singilin ang halos apat na bilyon pisong utang ng kumpanyang Cargohaus Incorporated.

Nabatid na patuloy pa ring ginagamit ng naturang kumpanya ang mga pasilidad ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA), sa kabila ng utang nito sa MIAA.

Sa sulat na ipinadala sa Ombudsman, pina-iimbestigahan ni Atty. Carlo Ybañez ang hindi pa nababayarang utang ng kumpanya sa MIAA, at kung bakit tumagal ito ng ilang taon.

Sa panig ng MIAA, sinabi ni MIAA General Manager Eric Ines na makikipagtulungan ang ahensya sa Ombudsman hinggil sa magiging imbestigasyon kung kinakailangan.

Sa ngayon aniya ay wala pa sila sa posisyon para magbigay ng komento hinggil sa isyu.

Facebook Comments