
Cauayan City – Nagbigay ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng halos P10 milyong ayuda sa mga magsasaka ng kape at may-ari ng mga coffee shop sa Nueva Vizcaya.
Kabilang sa mga benepisyaryo ang Ambaguio Coffee Producers Association, Inc., Coffee Growers Association of Kayapa, Balete Irrigators Multi-Purpose Farmers Association, Bugkalot Casecnan Coffee Farmers Association, Kasibu Coffee Growers Association, at 13 may-ari ng coffee shop.
Ayon kay Elizabeth Martinez, DOLE provincial chief, na ang pondo ay nagmula sa DOLE Integrated Livelihood Program at Adjustment Measures Program.
Dagdag pa niya, patuloy nilang susuportahan ang coffee industry sa Nueva Vizcaya bilang bahagi ng pangarap ng lokal na pamahalaan na gawin itong “Coffee Capital” ng Cagayan Valley.
Layunin nitong suportahan ang lumalakas na industriya ng kape sa probinsya at mapabuti ang produksyon at kabuhayan ng mga magsasaka.