
Cauayan City – Pangkalahatang mapayapa kung ihambing ng Cauayan City Police Station ang sitwasyon ngayon sa lungsod ng Cauayan.
Ito ay inihayag ni Police Lieutenant Colonel Ernesto Nebalasca Jr., hepe ng Cauayan City sa “Pulis @ Ur Serbis”, isang programa ng PNP.
Ayon kay PLTCOL Neblasca, ang pagiging mapayapa ng lungsod ay dahil umano sa magandang deployment ng police personnels sa iba’t-ibang lugar sa lungsod, partikular na sa mga pampublikong lugar katulad na lamang ng mga lansangan.
Ibinahagi rin ng hepe na nanguna ang Cauayan City Police Station sa may pinaka-maraming bilang ng accomplishments sa buong lalawigan ng Isabela noong 2024, patunay ng mahighpit na kampanya ng Bamboo Cops kontra sa kriminalidad.
Ayon sa hepe, patuloy umano ang kanilang ginagawang monitoring sa buong kalungsuran upang mapigilan ang anumang ilegal na aktibidad na maaaring maitala.
Nagpasalamat naman si PLTCOL Nebalasca sa lahat ng kapulisan sa lungsod dahil sa serbisyoong kanilang ibinibigay,ganundin sa mga residente na nakikipagtulungan sa kapulisan upang mapanatili ang kapayapaan sa lungsod ng Cauayan.