
Hinihintay na lamang ng Commission on Elections (COMELEC) ang pagsasagawa ng audit sa mga nakuhang certificate of canvass para maiproklama ang 12 senador na nanalo sa 2025 midterm elections.
Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, bukas ng alas-3:00 ng hapon ay ipoprokalama na ang mga nanalong senador kung saan hinihintay na lamang nila ang pormal na rekomendasyon ng supervisory committee.
Ito’y base na rin sa inilabas nilang ranking kung saan bawat nanalo ay papayagan na magsama ng 15 indibdwal.
Giit kasi ni Garcia, nais ng COMELEC na maraming maisama ang mga nanalo lalo na’t batid nila ang mga pinaghirapan ng mga ito sa nagdaan halalan.
Bawat COMELEC Commissioner ay makikibahagi sa proklamasyon habang sa Lunes (May 19, 2025) naman nakatakdang iproklama ang mga nanalong party-list.
Sinabi pa ni Garcia, ikinatuwa ng COMELEC ang resulta ng voters turnout kung saan nasa 82.20% ito na katumbas ng 57,350,968 na bumoto mula sa 69,673,658 na nagparehistro.