COMELEC, kinumpirmang mangilan-ngilan pa lamang ang mga kandidatong nagsumite ng SOCE

Iilan pa lamang na tumakbo sa nakalipas na halalan ang nakapaghain ng kanilang Statement of Contribution and Expenditures (SOCE).

Sa mga tumakbo sa pagkasenador ang nakapaghain pa lamang ng SOCE ay si dating Philippine National Police (PNP) Chief Guillermo Eleazar.

Habang sa party-list, ang nakapaghain pa lamang ng Statement of Contribution and Expenditures ay ang Abono, Senior Citizen at Bisaya Gyud.


Sa mga tumakbo naman sa pagkapangulo at pangalawang pangulo ay wala pang naghahain ng SOCE.

Facebook Comments