Comelec, muling iginiit na walang nangyaring dagdag-bawas sa bilangan ng balota

Muling iginiit ng Commission on Elections (COMELEC) na walang nangyaring dagdag-bawas sa nagpapatuloy na bilangan ng mga boto ngayong 2025 midterm elections.

Sa press conference bago ang pagpapatuloy ng National Board of Canvassers sa The Tent City, Manila Hotel, ipinaliwanag ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na hindi nalinis ang program ng ibang entity kabilang ang media kaya’t nadoble ang bilang na mula sa presinto.

Dagdag pa ni Garcia, real time ang inilalabas na bilang ng Comelec na makikita sa kanilang website at hindi sila naglalabas ng ranking.

Aniya, ang ginagawa ng Comelec sa paglalabas ng bilang ng mga boto ay bahagi ng pagiging transparent ng komisyon para agad na malaman ng publiko.

Sinabi pa ni Garcia, kinausap niya ang mga naglalabas ng partial/unoffical result na linisin ang kanilang program upang hindi madoble ang naipadadala ng kada presinto.

Paliwanag pa ng opisyal, kung ano ang ipinadadala ng bawat presinto matapos ang botahan, ito ay automatic na nagiging human-readable data o nababasa agad ang mga datos.

Facebook Comments