
Naglabas ng show cause order ang Commission on Elections (Comelec) laban kay Las Piñas Rep. Camille Villar na tumatakbong senador.
Ito ay upang pagpaliwanagin si Villar kung bakit hindi siya dapat i-disqualify o patawan ng election offense.
Nakatanggap kasi ng sumbong ang Committee on Kontra Bigay na may namamahagi ng pera sa pamamagitan ng raffle sa Buhay na Tubig sa Imus, Cavite habang nandun si Villar.
Sabi ni Teopisto Elnas Jr., head ng Kontra Bigay, may tatlong araw si Villar upang tumugon sa show cause order kaugnay sa posibleng vote buying.
Nakasaad kasi na basta may presensya ng kandidato habang nagbibigay ng pera sa panahon ng campaign period ay kailangang alamin kung pasok ito sa vote buying at vote selling.
Ito ang unang beses na naglabas ng show cause order ang Kontra Bigay laban sa isang national candidate.