
Tiwala si Vice President Sara Duterte na maipapanalo niya ang impeachment case na isinampa laban sa kanya.
Ayon kay VP Sara, tiwala siya sa paniniyak ng kanyang legal team na maipapanalo nila ang reklamo.
Tumanggi naman si VP Sara na idetalye ang mga depensang gagamitin ng kanyang mga abogado sa impeachment trial.
Ang reaksyon ni VP Sara ay kasunod ng akusasyon na kaya niya inindorso ang kandidatura nina Senador Imee Marcos at Camille Villar sa senatorial race ay para matiyak na maipapanalo niya ang kanyang impeachment case.
Facebook Comments