PNP, nakapagtala ng 11 insidente ng pagkalunod

Muling nagpaalala ang Philippine National Police (PNP) sa publiko kaugnay ng kaso ng pagkalunod lalo na ngayong bakasyon.

Ito’y matapos makapagtala ang PNP ng 11 drowning incidents mula pa lamang April 1, 2025.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Randulf Tuaño, apat sa mga biktima ay pawang mga menor de edad habang pito naman ay adult.

Karamihan aniya sa mga insidente ay nangyari habang ang mga biktima ay naliligo habang nasa impluwensiya ng alak.

Noong Abril ng nakalipas na taon, umabot sa 43 ang bilang ng kaso ng pagkalunod sa bansa.

Kaugnay nito, iginiit ng PNP ang kahalagahan ng pag-iingat tuwing naliligo sa pool o sa dagat.

Pinayuhan din ng pulisya ang publiko na iwasan ang pag-inom ng alak bago lumangoy at tiyaking may sapat na bantay lalo na kung may kasamang mga bata.

Bilang bahagi din ng PNP LIGTAS SUMVAC 2025, nakikipag-ugnayan ang PNP sa mga lokal na pamahalaan at iba pang law enforcement agencies upang mapalakas ang seguridad sa mga bakasyunan o tourist spots.

Facebook Comments