SUPULTURERO, TIMBOG SA PAGGAMIT NG ILIGAL NA DROGA

18
Kulong ang 38 anyos na supulturero matapos maaktuhang gumagamit ng iligal na droga gabi ng September 16, 2022 sa Public cemetery ng Brgy. Maura, Aparri, Cagayan.

Kinilala ang suspek na si Garry Yoldi na residente ng naturang lugar.

Nakuha mula sa pangangalaga ng suspek ang tatlong pakete ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng nasa 7 gramo na nagkakahalaga ng nasa P2, 000 at iba pang drug paraphernalia.

Nakakulong ngayon sa Police Station ng Aparri ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments