Thursday, October 22, 2026

SC ruling, babala sa mga nagsasabwatan at nagbabalak abusuhin ang unprogrammed appropriations

Para kay House Senior Deputy Minority Leader at Mamamayang Liberal (ML) Party-list Rep. Leila de Lima, ang pasya ng Supreme Court ay isang malinaw na babala sa mga nagsasabwatan at nagbabalak pang abusuhin ang unprogrammed appropriations para sa pansarili at pampulitikang interes.

Pahayag ito ni De Lima makaraang ideklara ng Korte Suprema na labag sa Konstitusyon ang mga unprogrammed appropriations sa General Appropirations Act noong 2024, 2025, hanggang 2026.

Diin ni De Lima ang SC ruling ay isang tagumpay sa pagsusulong ng transparency at accountability sa paggastos sa pera ng taumbayan.

Bilang isa sa mga petitioner ng isa sa mga consolidated cases ay umaasa si De Lima na tuluyan ng bubuwagin ang buong unprogrammed appropriations kung saan may malawak na kontrol ang Ehekutibo.

Diin ni De Lima, malinaw ang paalala ng Kataas-taasang Hukuman na ang unprogrammed appropriations ay isang standby fund at slush fund kaya hindi dapat palusutin at palampasin ang mga abusadong pinapaikutan ang ating batas para gatasan at limasin ang kaban ng bayan.

Facebook Comments