Lumagda ang mga bayan ng San Nicolas at Itogon sa isang 25-taong Memorandum of Agreement (MOA) para sa paghahati ng mga buwis at iba pang benepisyong magmumula sa dalawang planong 800-megawatt (MW) pumped-storage hydropower projects sa lugar.
Saklaw ng kasunduan ang 800-MW San Roque West Pumped Storage Hydroelectric Power Project at 800-MW San Roque Lower East Pumped Storage Hydroelectric Power Project.
Lumagda sa MOA sina San Nicolas Mayor Alicia Primicias-Enriquez at Itogon Mayor Bernard S. Waclin, kasama ang mga lokal na opisyal at kinatawan ng San Miguel Power Corporation (SMPC)-Hydro Resources Group.
Sa ilalim ng kasunduan, kinikilala ang San Nicolas at Itogon bilang Hosting Local Government Units (LGUs) ng mga proyekto.
Itinatakda rin ng MOA ang mekanismo para sa paghahati ng business taxes, government share at iba pang benepisyong kaugnay ng operasyon ng mga proyekto.
Mananatiling may bisa ang kasunduan sa loob ng 25 taon mula sa itinakdang Commercial Operation Date (COD) na Oktubre 1, 2032, alinsunod sa mga probisyon ng MOA.
Ang dalawang pumped-storage hydropower project ay idinisenyo bilang pasilidad para sa pag-iimbak ng enerhiya.
Sa ganitong sistema, ibinobomba ang tubig patungo sa mas mataas na reservoir upang maiimbak ang enerhiya. Kapag kinakailangan ng grid, ibinababa ang nakaimbak na tubig upang paandarin ang mga turbine at makalikha ng kuryente.
Inaasahang makatutulong ang naturang teknolohiya sa pag-iimbak at pamamahala ng suplay ng kuryente, partikular sa mga panahong mataas ang pangangailangan sa enerhiya.
Ang paglagda sa MOA ay nagtatakda rin ng kasunduan sa pagitan ng dalawang LGU hinggil sa kanilang magiging bahagi at benepisyo bilang host communities ng mga planong proyekto. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments