COVID-19, ikatlo sa pangunahing dahilan ng pagkamatay sa bansa – ayon sa PSA

205

Pumangatlo ang COVID-19 sa pangunahing dahilan ng kamatayan sa Pilipinas.

Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), pumalo na 75,285 katao ang kabuuang nasawi sa COVID-19 sa naturang time period.

Pinakamataas ang bilang ng nasawi sa National Capital Region kung saan nangunguna ang Quezon City na may 3,955; Manila City na may 2,558; at Pasig City na may 1,832.


Nanguna naman sa ’cause of death’ ng mga Pinoy ang heart disease na may 110,332 kaso o 18.3% ng total deaths.

Mas mataas ito ng 28.0% kumpara sa 86,164 death o 16.9% ng kabuuang nasawi noong 2020.

Pumangalawa naman ang cerebrovascular diseases na may 58,880 deaths.



Facebook Comments