Tuesday, August 18, 2026

Customs police personnel na nagmamay-ari ng baril na ginamit sa Ateneo de Zamboanga shooting incident, sinibak na sa puwesto

Agad ipinag-utos ni Bureau of Customs o BOC Commissioner Ariel F. Nepomuceno ang relief at preventive suspension ng Customs Police personnel na nagmamay-ari ng baril na umano’y ginamit ng estudyanteng namaril sa Ateneo de Zamboanga University Junior High School.

Ipinag-utos din ni Nepomuceno ang comprehensive accounting at inventory sa lahat na inisyung baril sa mga kawani ng Bureau at i-review kung sumusunod ang mga ito sa lahat ng polisiya ng BOC at ang issuances sa gun safety, firearm custody, transport, carrying, storage at safekeeping.

Kailangan aniyang maisumite ang compliance reports sa lahat ng concerned units sa loob ng 24 oras.

Mahigpit din ang direktiba ng Bureau sa lahat ng concerned personnel na makipag-cooperate sa isinasagawang imbestigasyon sa mga otoridad.

Tiniyak din ng BOC na mananatili silang committed sa accountability, transparency, at pagsigurong hindi na mauulit ang naturang insidente sa pamamagitan ng pagsunod sa mga kinakailangang measures.

Nagpaabot din ang BOC ng pakikiramay sa pamilya at mga mahal sa buhay ng mga nasawi sa naturant shooting incident.

Facebook Comments