
Naghahanap na ng solusyon ang Department of Agriculture (DA) sa problemang kinahaharap ng mga magsasaka ng kamatis.
Ito’y makaraang bumagsak ang presyo ng kamatis sa Metro Manila, partikular sa Balintawak Clover Leaf Market.
Bumagsak na kasi sa P13 ang kada kilo na bentahan ng kamatis sa nasabing palengke.
Ayon kay Agriculture Asst secretary Genevieve Velicaria-Guevarra, nakatutok sila ngayon sa mga magsasaka na hirap sa mababang farmgate price ng kamatis.
Panahon kasi aniya ngayon ng anihan kung kaya’t marami ang supply ng kamatis.
Tuloy-tuloy umano ang intervention ng DA lalo na ang kanilang mga filed office upang mailapit sa merkado at direct buyer sa nagtatanim ng kamatis.
Sa ngayon ay anim na grupo na ng magsasaka ang kanilang natulungan at nailapit sa pamamagitan ng market linkages.