DA, NAGLUNSAD NG BAGONG BALANCED FERTILIZATION STRATEGY

Cauayan City – Inilunsad ng Agricultural Training Institute ng Department of Agriculture (DA-ATI) sa Region 2 ang Balanced Fertilization Strategy upang mapabuti ang produksyon ng palay sa mga lalawigan ng Isabela at Cagayan.

Dinaluhan ng 150 lider mula sa mga irrigators’ association at mga local agriculturist ang pagsasanay sa Isabela, kung saan ipinaliwanag ang tamang paggamit ng abono para sa mas mataas na ani.

Ayon kay Jhimcelle Salvador, training specialist ng Agricultural Training Institute, layunin ng programa na bigyan ng sapat na kaalaman ang mga magsasaka sa tamang pataba upang mapalakas ang kanilang ani ng hindi naaapektuhan ang kalikasan.


Kasama sa itinuro sa pagsasanay ang Rice Crop Manager, Leaf Color Chart, Minus One Element Technique, e-learning resources, at iba pang teknolohiyang pang-agrikultura.

Nagpahayag naman ng pasasalamat si Roldan Acierto, pangulo ng Tumauini Amianan Farmers Irrigators Association, sa Agricultural Training Institute dahil sa patuloy nitong pagsuporta sa mga magsasaka.

Facebook Comments