DA, nilinaw na hindi “desperate move” ang pagpapautang ng bigas sa LGUs sa ilalim ng food security emergency

Hindi umano senyales ng pagka-desperado ang pagpapautang ng gobyerno ng rice stocks sa local government units (LGU).

Sa harap ito ng kakaunti pa lang na LGUs na nagpu-pull out ng kanilang rice stocks sa mga bodega ng National Food Authority o NFA.

Sa ilalim ng food security emergency, ang LGUs ang pinakiusapang magbenta ng murang bigas sa kanilang constituents.


Nilinaw ni Department of Agriculture o DA spokesperson at Asec. Arnel de Mesa na magpapautang ang gobyerno pero hindi ito desperate move.

Sinagot din ni De Mesa ang reaksyon mula sa agri sector na nangangamba na posibleng malugi ang NFA lalo na sa panahon na mas kailangan nito ng sapat na pondo para makapamili ng palay sa mga lokal na magsasaka.

Binigyan-diin ni De Mesa na hindi ang NFA kundi ang Food Terminal Inc., ang magpapautang ng bigas sa mga LGU.

Tiniyak naman ng DA spokesperson na hindi malulugi ang FTI sa gagawing pagpapautang dahil government entity rin naman ang katransaksyon nito.

Mas magiging efficient aniya sa ganitong arrangement lalo na kung wala pang agad na maipambayad ang LGUs.

Facebook Comments