DMW, nagbukas ng tanggapan para sa OFWs na nakararanas ng karahasan at gender-sensitive issues

Maaari nang dumulog sa Department of Migrant Workers (DMW) ang Overseas Filipino Workers o OFWs na nahaharap sa gender-sensitive cases gayundin ang mga biktima ng karahasan at pag-abuso.

Ito ay matapos na magbukas ang DMW ng Gender and Development (GAD) Hearing Room sa DMW Central Office sa Mandaluyong City.

Ayon kay Migrant Workers Secretary Hans Leo J. Cacdac, ang nasabing Hearing Room ay magsisilbing safe space para sa pagdinig, konsultasyon, at sa hinanaing ng migrant workers na nangangailangan ng legal assistance o suporta sa kanilang problema sa trahabo.

Sinabi ni Cacdac na nakakatiyak din ang mga dudulog na OFW ng kanilang privacy, seguridad, at comfort habang umuusad ang tugon sa kanilang reklamo.

Sa ganitong paraan aniya, matitiyak ang proteksyon sa babaeng OFWs na may kinakaharap na iba’t ibang labor issues.

Facebook Comments