DAGDAG NA PATROL VEHICLES AT MOTOSIKLO NGPULISYA, ITINURN OVER PARA SA SEGURIDAD SA DAGUPAN

May dagdag na kagamitan na ang Dagupan City Police Office o DCPO para sa pagpapatrolya at pagtugon sa mga insidente sa iba’t ibang barangay.

Ito ay matapos i-turn over ng pamahalaang lungsod nitong Lunes, Setyembre 28, ang apat na Toyota Tamaraw FX at 17 Honda ADV motorcycles sa DCPO.

Pinangunahan ni Mayor Belen T. Fernandez ang turnover sa ilalim ng pamumuno ni City Director PCOL Arnold Solomon.

Inaasahang magagamit ang mga bagong mobile patrol para sa mas mabilis na pagresponde at pag-aksyon ng kapulisan sa iba’t ibang bahagi ng lungsod.

Pinangasiwaan naman ni Msgr. Manuel S. Bravo Jr. ang blessing ng mga bagong sasakyan at motorsiklo, na dinaluhan ng mga opisyal ng lungsod, mga barangay captain at iba pang kinatawan.

Patuloy namang ipinapakita ng pamahalaang lungsod ang suporta sa mga programa ng Philippine National Police o PNP para sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa Dagupan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments