Pagpapalakas pa ito sa kakayahan ng mga kababaihan sa larangan ng pagnenegosyo sa pamamagitan ng pagbibigay ng kaalaman tungkol sa mga oportunidad sa negosyo, wastong pamamahala ng pananalapi, at mga pangunahing hakbang sa pagsisimula at pagpapatakbo ng maliit na negosyo.
Hinikayat ang mga kalahok na magkaroon ng entrepreneurial mindset at natutuhan ang mga praktikal na kaalamang makatutulong upang mapabuti ang kanilang kabuhayan at makapag-ambag sa pag-unlad ng kanilang komunidad.
Pinangunahan ang seminar ng mga kinatawan mula sa Department of Trade and Industry (DTI) Pangasinan at SB Corporation na nagbahagi ng kanilang kaalaman at nagpakilala ng iba’t ibang programa at serbisyong maaaring mapakinabangan ng mga nagnanais magsimula o magpalawak ng negosyo. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







