DAGUPAN CITY, ITINALAGANG REGIONAL TRAINING CENTER NG PSC PARA SA MGA BATANG ATLETA SA SWIMMING AT GYMNASTICS

Gagawing Regional Training Center para sa swimming at gymnastics ang Dagupan City matapos lumagda sa Memorandum of Agreement ang Pamahalaang Lungsod ng Dagupan kasama ang Philippine Sports Commission (PSC) para sa pagpapatupad ng National Sports Development Program (NSDP) sa lungsod.

Ito ay matapos pinagtibay ang draft resolution na nagbigay awtoridad kay Belen T. Fernandez na pumasok sa kasunduan kasama ang PSC na kinatawan ni Chairman Patrick C. Gregorio noong Mayo 15, 2026.

Ayon kay Gregorio, ang lungsod ang kauna-unahang nabigyan ng buong set ng gymnastics equipment mula Maynila matapos itatag ang pagtatalaga ng mga Regional Training Centers sa bansa.

Aniya, kinokonsidera ng PSC ang lokasyon at kahandaan ng lungsod para maging sentro ng pagsasanay ng mga atleta sa rehiyon.

Suportado naman ito ng lokal na pamahalaan para mahikayat ang mga kabataan na lumahok sa gymnastics at swimming, gayundin upang mas mapalawak pa ang sports development at mga pasilidad sa lungsod.

Samantala, nasaya naman ang batang gymnast na si Jim sa mga bagong kagamitang magagamit sa kanyang training.

Habang sinabi ng kanyang coach na si Jun, na halos dalawang taon nang nagtuturo ng gymnastics, na malaking tulong umano ang dagdag na kagamitan para mas mapaigting ang ensayo ng mga batang atleta.

Bukod sa swimming at gymnastics, target din umano ng lungsod na pagtuunan pa ang iba pang sports gaya ng skateboarding at surfing na unti-unti nang sumisigla sa Dagupan City. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments