Muling naitala ng PAGASA ang pinakamataas na heat index sa bansa nitong ika- 6 ng Marso sa Dagupan City, Pangasinan.
Umabot pa ito sa 45°C na mas mataas sa naitalang heat index forecast na 41°C.
Sa panayam ng IFM News Dagupan kay PAGASA Dagupan Chief Meteorologist Engr. Jose Estrada Jr., inihayag nito na aasahan ang mas mainit at maalinsangang panahon sa mga susunod pang araw at buwan.
Tinukoy nito ang ilan sa mga binabantayang salik na nakakaapekto sa lagay ng panahon.
Nilinaw ni Estrada na nananatili pa rin ang weather phenomenon na La Niña sa bansa dahil ilang mga bahagi ay nakakaranas pa rin ng pagbaha.
Samantala, mahigpit na pinaalalahanan ang publiko ukol sa posibleng banta ng nararanasang mainit na panahon sa kalusugan tulad na lamang ng mga heat-related illnesses. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨