
Nagbitiw na bilang kalihim ng Department of Information and Communications Technology (DICT) si Sec. Ivan John Uy.
Ito ang kinumpirma ni Palace Press Officer Usec. Claire Castro ngayong hapon.
Ayon kay Castro, natanggap na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbibitiw ni Uy.
Samantala, magtatalaga muna si Pangulong Marcos ng Officer-in-Charge sa DICT upang mapunan ang posisyon hanggang sa makapili ng bagong kalihim.
Si Uy ang ikatlong cabinet secretary ni Pangulong Marcos na nagbitiw sa pwesto ngayong taon.
Facebook Comments