Sa Dagupan City, timbog ang isang 21 anyos na estudyante sa Brgy. Bonuan Binloc, matapos makumpiska sa kanyang kustodiya ang isang malaking pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu na may bigat na humigit-kumulang 50 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng ₱340,000.
Narekober din ang isang maliit na sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng dalawang gramo na may tinatayang halaga na ₱13,600, kasama ang isang itim na parcel plastic bag at ang marked at boodle money na ginamit sa transaksyon.
Samantala, sa Brgy. Lipay, Villasis, isang criminology student din ang nasakote matapos mahulihan ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php 13,600.00; buy-bust money; isang (1) baril at mga bala at motorsiklo.
Isinagawa rin ang inventory at pagmamarka ng mga nakuhang ebidensya sa harap ng mga suspek at mga mandatory witnesses.
Inihahanda naman ang kasong paglabag sa ilang seksyon ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa mga suspek. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








