Nasawi ang isang 27-anyos na babaeng backrider matapos masagasaan ng isang bus sa bahagi ng kalsada sa Sta. Barbara, Pangasinan noong Hunyo 24.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, parehong binabagtas ng motorsiklo at bus ang kalsada habang nasa outer lane umano ang motorsiklo at nasa inner lane naman ang bus.
Pagdating sa lugar, bigla umanong lumipat ang motorsiklo sa harapang bahagi ng bus dahilan upang masagi at tumilapon ang 26-anyos na babaeng rider at ang kanyang 27-anyos na angkas sa sementadong kalsada.
Habang nakahandusay ang mga biktima, nagulungan umano ng bus ang back rider at napuruhan ang kanyang ulo.
Isinugod pa ang mga biktima sa ospital ngunit idineklara patay ang back rider habang sugatan naman ang rider ng motorsiklo.
Dinala rin sa ospital ang 48-anyos na driver ng bus para sa medical examination bago pansamantalang dinala sa kustodiya ng pulisya.
| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










