Isang gintong karangalan ang iniuwi ni Urdaneta City pride Reymark Marquez De Ocampo matapos magwagi sa Young Artist Friendship Festival (YAFF) Global 2026 Music Festival and Competition sa Da Nang, Vietnam.
Nasungkit ni De Ocampo ang Gold Award sa Pop Solo (Age Above 18) category sa naturang international music competition na ginanap noong June 26 hanggang 28.
Dahil sa kanyang kahanga-hangang pagtatanghal, muling naitaas ang bandera ng Pilipinas sa international stage at naipakita ang husay ng mga Pilipinong mang-aawit.
Bumuhos naman ang pagbati mula sa lokal na pamahalaan ng Urdaneta City, mga supporters, at kapwa Pangasinense na nagpahayag ng kanilang pagmamalaki sa panibagong tagumpay ng kanilang kababayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments







