Dalawang Lalaking Nahulian ng Marijuana, Arestado!

San Pablo, Isabela- Arestado ang dalawang lalaki matapos mahuling nagbebenta ng marijuana sa barangay Ballacayu, San Pablo, Isabela pasado alas dos kanina, , Hunyo 17, 2018.

Kinilala ang mga suspek na sina Dionisio Mansibang, 43 anyos, traysikel drayber at si Rene Boy Telan, 37 anyos at mga pawang residente ng Brgy. Simanu Sur, San Pablo, Isabela.

Batay sa natanggap na impormasyon ng RMN Cauayan, natimbog umano ang dalawang suspek matapos ang ikinasang drug buy bust operation ng PNP San Pablo kung saan ay nakuha mula sa pag-iingat ng dalawang suspek ang isang sachet ng ng marijuana na may fruiting tops, isang unit ng cellphone, at limang daang piso na ginamit bilang buy bust money.


Agad na dinala ng kapulisan ang dalawang suspek sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang dokumentasyon at ngayon ay nahaharap sa kaukulang kaso.

Facebook Comments